2011
Mga Pagpapala ng Visiting Teaching
Marso 2011


Mga Pagpapala ng Visiting Teaching

Larawan
Silvia H. Allred

Bilang babaeng nasa hustong gulang sa Simbahan, binigyan kayo ng pagkakataon at responsibilidad na maglingkod bilang visiting teacher. Sa ganitong tungkulin marami kayong magagawang kabutihan. Sa pagbisita ninyo sa mga kapatid na itinalagang bisitahin ninyo, kayo ay:

  • May pagkakataong makilala at mahalin ang mga kapatid na binibisita ninyo at kaibiganin sila.

  • May pagkakataong ibahagi at patotohanan ang mga doktrina ng ebanghelyo.

  • Magiging impluwensya sa kabutihan at lakas sa mga kapatid.

  • May pagkakataong mag-alok at magbigay ng tulong kung kailangan.

  • Makadarama ng paggabay ng Espiritu sa inyong gawain.

  • Makararanas ng galak sa inyong paglilingkod.

  • Espirituwal na uunlad bilang anak ng tipan ng Diyos.