2011
Pangkalahatang Pulong ng Young Women
Marso 2011


Sa Kalendaryo

Pangkalahatang Pulong ng Young Women

Lahat ng kabataang babaeng edad 12 hanggang 18, kasama ang kanilang mga ina, at ang mga lider ng Young Women ay inaanyayahang makibahagi sa pangkalahatang pulong ng Young Women sa Marso 26. Ang pulong ay kabibilangan ng mga mensahe ng isang miyembro ng Unang Panguluhan at ng pangkalahatang panguluhan ng Young Women. Ang tema ng pulong sa taong ito ay “Naniniwala Kami” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13).

Kung maaari, hinihikayat ang mga kabataang babae, kanilang mga ina, at kanilang mga lider na magtipun-tipon sa mga chapel para panoorin ang brodkast. Alamin sa inyong lider ng priesthood o sa www.broadcast.lds.org kung kailan at saan gaganapin ang brodkast.