2010
Jean A. Stevens
Mayo 2010


Jean A. Stevens

Unang Tagapayo sa Primary General Presidency

Larawan
Jean A. Stevens

Naniniwala si Jean Alldredge Stevens na napakalaki ng epekto sa mga bata na habang musmos pa lamang ay makadama na sila ng pagmamahal. Nakatutulong sa mga bata na malaman at maunawaan ang dakilang pagmamahal para sa kanila ng Ama sa Langit at ng Tagapagligtas kung nakararanas na sila ng pagmamahal.

Isinilang si Sister Stevens noong Nobyembre 1952 sa Salt Lake City, Utah, USA, kina Claron at Helen Alldredge.

“Pinalaki ako ng mga magulang na may napakalakas na pananampalataya,” sinabi ni Sister Stevens. “Mahal nila ang Panginoon, at itinuro nila sa aming tahanan ang ebanghelyo. Kahanga-hanga ang abilidad ng aking ina na magmahal ng mga tao.“ Naaalaala niya na mula noong bata pa siya minahal na siya ng kanyang mga magulang at minahal din nilang maglingkod sa Panginoon.

Ang halimbawang ito ay ipinamuhay din ni Sister Stevens sa kanyang sariling pamilya pagkatapos niyang makasal kay Mark Stevens sa Salt Lake Temple noong ika-12 ng Setyembre 1973. Sila ay may limang anak.

Nagpapasalamat si Sister Stevens na makapaglingkod sa Panginoon at higit siyang nagpapasalamat sa oportunidad na maglingkod sa mga bata sa Primary.

“Sensitibo ang mga bata sa mga bagay na espirituwal,“ sabi ni Sister Stevens. “Isinilang sila sa buhay na ito na handa ang kanilang puso na maniwala. Madarama mo ang kanilang banal na katangian sa pagsilang nila sa mundong ito dahil kagagaling lamang nila sa kinaroroonan ng kanilang Ama sa Langit.

Naniniwala si Sister Stevens na ang mga lider at titser sa Primary ay may mahalagang papel sa pagtulong sa mga magulang sa pagtuturo ng ebanghelyo ni Jesucristo. “Napakagandang lugar ang Primary para madama ng mga bata ang pagmamahal at para sa mga titser at lider na mabigyang-diin ang mga aral na itinuturo sa tahanan,“ sabi niya.

Bago siya tawagin na maglingkod bilang unang tagapayo sa Primary general presidency, naglingkod sa Primary general board si Sister Stevens. Naglingkod din siya bilang ward Relief Society president, tagapayo sa ward Primary presidency at titser sa klase ng Gospel Doctrine. Nagtapos si Sister Stevens sa University ng Utah nang may bachelor’s degree sa matematika at sa sertipiko sa pagtuturo.