2010
inside-front-cover
Mayo 2010


Ang Unang Pangitain, di kilala ang gumawa

Noong 1820 nang bata pa si Joseph Smith, nagtungo siya sa kakahuyan na malapit sa kanyang tahanan upang manalangin at malaman kung aling simbahan ang kanyang sasalihan. Bilang sagot sa kanyang dalangin, nakita niya ang Ama at ang Anak.

“Ako ay nakakita ng isang haligi ng liwanag na tamang-tama sa tapat ng aking ulo, higit pa sa liwanag ng araw, na dahan-dahang bumaba hanggang sa ito ay pumalibot sa akin.

“… Nang tumuon sa akin ang liwanag, nakakita ako ng dalawang Katauhan, na ang liwanag at kaluwalhatian ay hindi kayang maisalarawan, nakatayo sa hangin sa itaas ko. Ang isa sa kanila ay nagsalita sa akin, tinatawag ako sa aking pangalan, at nagsabi, itinuturo ang isa—Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan Siya!” (Joseph Smith—Kasaysayan 1:16–17).

Isang stained-glass window mula sa meetinghouse ng Adams Ward sa Los Angeles, California, USA; sa kagandahang-loob ng Church History Museum