2010
Indeks ng mga Kaganapan sa Kumperensya
Mayo 2010


Indeks ng mga Kaganapan sa Kumperensya

Ang sumusunod ay isang listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya para gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang mga numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Pangulong Boyd K. Packer

(6) Pinayuhan ni Harold B. Lee ang isang bata pang sundalo na hingin ang basbas ng kanyang ama.

Inanyayahan ni Pangulong Packer na ordenan ng ama ng isang binatilyo ang kanyang anak na maging elder.

Bishop Keith B. McMullin

(13) Pinatawad ng babae ang bantay sa isang concentration camp.

Elder Wilford W. Andersen

(16) Ginunita ng anak na babae ang pananampalataya ng kanyang ama, na namatay sa kanser.

Pangulong Henry B. Eyring

(22) Naghirap ang babae dahil naligaw siya ng landas noong tinedyer pa siya.

Ang binatilyong anak ng mga Eyring ay naligaw, humingi ng tulong sa panalangin, at natagpuan.

Elder L. Tom Perry

(29) Tinuruan ng kanyang ina ang batang si L. Tom Perry.

Elder D. Todd Christofferson

(32) Pinaslang nang walang kalaban-laban si William Tyndale dahil sa pagsasalin niya ng Biblia sa Ingles.

Elder Koichi Aoyagi

(36) Muling isinalaysay ni Elder Aoyagi ang kanyang pagbabalik-loob at ang tulong ng isang miyembro nang mapalayo siya sa Simbahan.

Elder Bruce A. Carlson

(38) Hindi na natuto ang dalawang lalaking nangingisda at laging bumabagsak ang sinakyan nilang eroplano.

Elder Jeffrey R. Holland

(44) Ikinuwento ng tatlong diborsyadong babae ang hirap ng dati nilang asawa sa pornograpiya.

Elder Dallin H. Oaks

(47) Tinanggihan ng isang babaeng tumanggap ng isang pagpapala ang isa pang pagpapala, at sinabing siya na ang bahala ngayong sumampalataya.

Himalang gumaling ang batang babae sa Texas, USA.

Elder Ronald A. Rasband

(51) Tumanggap ng paghahayag si Pangulong Eyring kung saan dapat maglingkod ang mga misyonero.

David L. Beck

(54) Dinala ng isang binata ang sacrament sa isang lalaking hindi na makalabas ng bahay, na tinanggap naman ito nang may pagpipitagan.

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

(56) Gumamit ang isang propesor ng mga marshmallow para subukan ang pagtitiyaga ng mga batang apat na taong gulang.

Pangulong Henry B. Eyring

(60) Binisita ni Pangulong Eyring ang isang kaibigang maysakit at binasbasan ito.

Pangulong Thomas S. Monson

(64) Nandaya ang isang estudyante sa pagsusulit sa pagbubuklat ng mga pahina ng aklat gamit ang kanyang mga paa, ngunit sumapit ang araw ng paghatol.

Natupad ang pangako ni Pangulong Monson sa isang misyonero.

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

(68) Idinagdag ng mga tao ang karatulang, “Kayo ang aking mga kamay,” sa estatwa ni Cristo na walang mga kamay.

Ikinuwento sa isang alamat ng mga Judio ang dalawang magkapatid na lihim na ibinigay ang bahagi ng kanilang ani sa isa’t isa.

Nabiyayaan ng humanitarian service ang mga Banal na German pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Elder Donald L. Hallstrom

(78) Tumalikod ang isang mag-asawa sa Panginoon at sa Simbahan matapos mamatay ang una nilang anak nang isilang.

Nanatiling tapat ang mga magulang at lolo’t lola ni Elder Hallstrom sa kabila ng mabibigat na pagsubok.

Elder Quentin L. Cook

(83) Sinagip ng Samoan stake president ang kanyang anak na babae at ina mula sa tsunami.

Pangulong Thomas S. Monson

(87) Napanatag ang isang pamilyang nawalan ng 15-taong-gulang na anak na lalaki sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesucristo.

Elder Robert D. Hales

(95) Itinigil ng apong lalaki ni Elder Hales ang pagbabasa ng pahayagan para magtanong ng, “Nandiyan po ba kayo?”

Itinuro ng ina ni Elder Hales ang kahalagahan ng pagkain ng pamilya.

Nagalak ang isang ina sa pagtulong sa kanyang anak na babae sa Pansariling Pag-unlad.

Elder Bradley D. Foster

(98) Sinabi ng isang binatilyo sa kanyang ama na alam niya ang alam niya dahil sinabi sa kanya iyon ng kanyang ina.

Elder Gregory A. Schwitzer

(103) Natutuhan ni Elder Schwitzer, noong nagsisimula pa siya bilang doktor, na huwag hatulan ang iba ayon sa kanilang hitsura.

Elder Neil L. Andersen

(108) Ang hindi nagbabagong mga turo ng isang ama sa kanyang mga anak tungkol kay Jesucristo ay nakapanatag sa kanyang mga anak nang mamatay ito.

Ann M. Dibb

(114) Pinanindigan ng isang dalagita ang kanyang mga paniniwala nang hamunin siya ng isang high school teacher.

Mary N. Cook

(117) Napagpala ang isang dalagita dahil sinunod niya ang inspirasyong basahin ang Mateo 5.

Elaine S. Dalton

(120) Nakilala ng batang si Sister Dalton si Pangulong David O. McKay, na ipinakilala naman ang kanyang asawa bilang kanyang “reyna.”

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

(124) Inilarawan ni Pangulong Uchtdorf kung paano niya nakilala at kalaunan ay napaibig si Sister Uchtdorf.