Mga Bagay na Madalas Itanong—Mga Learning Experience
Ano ang Pagbutihin ang Learning Experience (PLE) ng institute?
Ang layunin ng PLE ay tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mga mas makabuluhang karanasan sa salita ng Diyos. Malamang na makamit ito ng mga estudyante kapag mas lubusan nilang nauunawaan, naipamumuhay, at naibabahagi ang mga turo ni Jesucristo. Ang pagkumpleto sa PLE ay kailangan para makatanggap ng credit sa bawat kurso. Maaaring pumili ang mga estudyante ng isa sa tatlong opsiyon:
- Mga Tanong sa Pagbutihin ang Learning Experience: Pinag-iisipan at sinasagot ng mga estudyante ang tatlong tanong sa pag-aaral. Ang mga tanong sa pag-aaral para sa mga Cornerstone course ay depende sa bawat kurso. Sinasagot ng mga estudyante sa lahat ng iba pang mga kurso ang mga tanong para sa mga general elective course.
- Course study journal: Regular na isinusulat ng mga estudyante sa kanilang journal ang natututuhan nila, kung paano nila ipinamumuhay ito, at paano pinatatatag ng kanilang mga karanasan ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo.
- Personal na proyekto sa pagkatuto o personal learning project: Pinaplano at kinukumpleto ng mga estudyante ang isang personal learning project. Ipinakikita ng proyekto ang pagkatuto at aplikasyon ng mga doktrina at alituntuning binanggit sa kurso at ibinubuod kung paano napatatag ang pananampalataya kay Jesucristo.
Sino ang dapat kumumpleto ng PLE?
Lahat ng estudyante ay hinihikayat na kumpletuhin ang isang PLE para sa bawat kurso kung saan sila naka-enroll. Bagama’t may mga estudyante na maaaring hindi gusto o hindi kailangan ng credit, dapat maipaunawa pa rin sa kanila ng mga titser na ang pagkumpleto ng PLE ay makatutulong para magkaroon sila ng mas makabuluhang karanasan sa salita ng Diyos.
Bakit may tatlong opsiyon sa PLE?
Naglaan ng tatlong opsiyon para matugunan ang iba’t ibang estilo at pamamaraan sa pag-aaral ng mga estudyante. Karaniwan, ang mga estudyante na kailangan ng mas maraming instruksyon o walang gaanong karanasan sa Simbahan ay nakasasagot nang mainam sa mga tanong sa PLE (opsiyon 1). Ang mga estudyante na mahilig magsulat o mas gusto na malayang nakapagpapahayag ay mas pinipiling sumulat sa journal para sa PLE (opsiyon 2). Ang mga estudyante na mas maraming karanasan sa Simbahan, na masigasig at sanay sa pag-oorganisa, o mas naipapahayag ang kanilang sarili sa iba pang paraan maliban sa pagsulat ay mas kinakikitaan ng husay sa paggawa ng proyekto para sa PLE (opsiyon 3).
Gaano katagal na panahon ang ibinibigay sa mga estudyante sa pagpili ng isang PLE?
Ang mga estudyante ay dapat pumili ng isang PLE nang maaga at simulang gawin ito kaagad.
Dapat bang gawin ng mga estudyante ang mga PLE sa klase?
Ang mga titser ay hinihikayat na bigyan ang mga estudyante ng oras na magawa ang mga PLE sa klase. Kadalasang ginagawa ang PLE sa loob at labas ng klase para makumpleto ito.
Kailan ko ipapaalam ang mga PLE sa aking mga estudyante?
Dapat ipaalam ng mga titser ang mga PLE sa simula ng kurso, o sa sandaling makapag-enroll at magsimulang dumalo ng klase ang estudyante. Mas mapagbubuti ang pag-aaral kung makikibahagi sa karanasang ito sa buong kurso. Sa maagang pagsisimula magkakaroon din ang mga estudyante ng mas maraming oras para sa makabuluhang karanasan.
Paano ko dapat ipaalam ang mga PLE sa klase?
Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang layunin ng PLE at paano nito mapapalalim ang kanilang pang-unawa at pamumuhay ng mga turo ni Jesucristo. Magbigay ng malinaw na mga instruksyon, ekspektasyon, at feedback kung nararapat.
Paano ko matutulungan ang aking mga estudyante na makakumpleto ng PLE?
Ipaalam kaagad ang mga PLE sa simula ng kurso. Tulungan, hikayatin, at gabayan sila sa buong semestre. Gawin ang nararapat para sa mga taong may mga partikular na pangangailangan, kapansanan, o iba pang problema sa kalusugan. Maglaan ng oras sa klase para sa mga PLE sa buong semestre.
Bakit kaunti lang ang detalye sa bawat isa sa tatlong opsiyon ng PLE?
Ang mga titser at administrator ay hinihikayat na pagpasiyahan ang mga detalye sa pangangasiwa ng mga PLE habang isinasaalang-alang ang mga ibinigay na tuntunin, mga pangangailangan ng mga estudyante, at ang dami ng kanilang klase at mga estudyante. Hinihikayat sila na ibahagi sa isa’t isa ang kanilang mga karanasan sa sandaling malaman nila kung ano ang mas epektibo at kung ano ang hindi.
Saan ko makikita ang mga tanong sa PLE (opsiyon 1) para sa isang partikular na kurso?
Ang mga tanong sa PLE ay makukuha rito.
May mga hiwalay na bersyon ba ng mga tanong sa PLE (opsiyon 1) para sa bawat kurso sa institute?
Bawat isa sa apat na Cornerstone course ay may sariling mga tanong. Ang lahat ng iba pang kurso ay dapat gamitin ang mga tanong sa general elective course.
Ang mga tanong ba sa PLE (opsiyon 1) ay makukuha sa ibang wika maliban sa Ingles?
Oo, ang mga tanong sa PLE ay makukuha sa 38 wika para sa lahat ng kurso.
Anong mga proyekto ang katanggap-tanggap na gawing personal learning project (opsiyon 3)?
Ang personal learning project sa PLE (opsiyon 3) ay maraming iba’t ibang proyekto na akma sa mga interes at kakayahan ng mga estudyante. Dapat rebyuhin at aprubahan ng mga titser ang bawat proyekto. Ang mga proyekto ay dapat iayon sa layunin ng PLE at sa nilalaman ng kurso.
Kailangan ko bang rebyuhin ang PLE ng bawat estudyante at magbigay ng feedback?
Bagama’t hinihikayat na magbigay ng feedback ang titser, hindi ito kailangang gawin.
Kailangan ba ng mga estudyante na isumite ang kanilang ginawa para makumpleto ang kailangang gawin?
Bagama’t hinihikayat ang pagsusumite ng PLE sa pagtatapos ng kurso, hindi ito kailangang gawin. Kailangang isaalang-alang ng titser ang dami ng ginagawa ng bawat estudyante at ang nilalaman ng PLE. Ang journal para sa PLE, halimbawa, ay maaaring maglaman ng mga sagrado o sensitibong impormasyon. Sa ibang pagkakataon, ang isang proyekto sa PLE ay maaaring hindi praktikal na isumite. Sa gayong mga pagkakataon, dapat na makahanap ng makatwirang alternatibo ang titser, tulad ng (1) pagsasabi sa estudyante na ireport lang na nakapagkumpleto na siya, (2) paghingi ng sample entry, o (3) pagpapasumite ng maikling buod ng natutuhan.
Paano ko iaakma ito sa one-credit term (kumpara sa two-credit semester)?
Ang mga titser ay dapat sumangguni sa kanilang mga supervisor para matiyak na naiaakma ang mga PLE sa layunin ng PLE at posibleng magawa ng mga estudyante at mga titser.
Sino ang maaari kong kontakin tungkol sa mga tanong o feedback hinggil sa mga PLE?
Ang mga tanong at feedback ay dapat ipadala sa mga supervisor o sa la-feedback@ChurchofJesusChrist.org.