Natural na gustong tumulong ng mga tao. Kadalasan, kailangan lang na anyayahan sila! At ang paglilingkod ay isang magandang paraan para makilala ang iba pang mga miyembro ng ward.
Pag-anyaya sa Iba na “Pumarito at Tumulong”
Ang paglilingkod na kasama ng iba tulad ng ginawa ni Cristo ay isa pang paraan para maibahagi ang iyong pananampalataya. Kahit hindi interesadong magsimba o makipagkita sa mga missionary ang isang kaibigan mo, kadalasa’y masaya silang makatulong sa isang taong nangangailangan.
Bawat komunidad ay nangangailangan ng mga volunteer, at bawat paglilingkod—kapwa malaki at maliit—ay maaaring magpala sa buhay ng mga nasa paligid mo. Habang nag-iisip ka ng mga pagkakataon para maanyayahan ang mga tao na maglingkod na kasama mo, narito ang ilang lugar na maaari silang makasama sa iyo o sa iyong pamilya:
Maaari kang makahanap ng mga pagkakataong makapaglingkod sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga kakilala at pamilya sa inyong lugar, pagbisita sa community center o website ng inyong lungsod, o pagtingin sa mga link na ito: