Mga Bagay na Madalas Itanong

Pangkalahatan

Oo. Gayunman, dapat kang magbigay ng kahit isang email address ng iyong magulang o legal na tagapag-alaga sa iyong talent profile. Kung hindi, hindi ka maisasaalang-alang sa mga proyekto. 

Oo. Kapag gumagawa ng profile para sa bata, ilagay ang pangalan ng bata at ang email address ng magulang o legal na tagapag-alaga.

Pakitingnan ang anumang folder sa iyong email account na maaaring humaharang ng mga email (mga spam, junk, promotion, atbp.), at tingnan ang iyong talent profile para matiyak na tama ang iyong email address. Kapag hindi nalutas ng mga hakbang na ito ang problema, kontakin kami sa Casting@ChurchofJesusChrist.org para sa mga tanong sa casting (pag-arte, pagmomodel, at pag-arte sa boses lamang), sa MusicProjects@ChurchofJesusChrist.org para sa mga tanong tungkol sa pagtatanghal sa musika, at sa MusicTranslationLeadership@churchofjesuschrist.org para sa mga tanong tungkol sa pagsasalin ng musika.

Kailangan na mayroong kasalukuyang temple recommend ang mga empleyado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Kumpletuhin ang form ng Delete My Talent Profile, at ang iyong impormasyon ay buburahin sa Talent Database.

Ang mga pagkakataong makibahagi nang may bayad at bilang boluntaryo ay nakadepende sa mga pangangailangan ng bawat proyekto. Nag-iiba-iba ang dami at dalas ng mga pagkakataong makibahagi nang may bayad at bilang boluntaryo. Para matulungan kaming pinakamainam na maitugma ang iyong mga interes sa potensiyal na mga oportunidad, mangyaring ipahiwatig lamang ang iyong mga kagustuhan sa iyong talent profile. Sa huli, walang epekto sa pagkapili sa iyo kung ipapahiwatig mo na gusto mong makibahagi nang may bayad o bilang boluntaryo.

Para sa mga tanong tungkol sa mga proyekto sa pagmomodelo, casting, at pag-arte gamit ang boses lamang, kontakin kami sa Casting@ChurchofJesusChrist.org. Para sa mga proyekto sa musikal na pagtatanghal, kontakin lamang kami sa MusicProjects@ChurchofJesusChrist.org. Para sa mga proyekto sa pagsasalin ng musika, kontakin lamang kami sa MusicProjects@ChurchofJesusChrist.org.

Musikal na Pagtatanghal Lamang

May iba-ibang proyekto na maaaring makuha ng sinuman sa magkakaibang panig ng mundo. Maaaring kabilang dito ang mga lokal na aktibidad sa area, mga virtual na pagtatanghal, mga oportunidad sa recording, mga broadcast ng Simbahan, at marami pang iba.

Kasalukuyan kaming naghahanap ng iba-ibang proyekto sa musika na nangangailangan ng suporta kapwa sa mga boluntaryo at propesyonal na kakayahan. Masaya kaming makilala ang sinumang matatapat na miyembro sa buong mundo na may mahahalagang kasanayan sa musika, training, o karanasan na maaaring makatulong kapag kinakailangan ito.

Interesado kami sa lahat ng estilo at genre ng musika, na maaaring kabilangan ang kontemporaryo, klasiko, popular, at estilo ng musikang pangkultura, gayundin ang marami pang iba.

Mangyaring isaad sa iyong talent profile na kalahok ka sa isang grupo. Sa question field na nagsasabing, “Anong uri ng mga grupo o ensemble ang nakibahagi ka?”, maaari mong piliin ang uri ng ensemble na pinakaakma sa iyong grupo. Pumili sa mga pagpipilian at isang answer field ang lilitaw para mas lalo mo pang mailarawan ang iyong ensemble at idagdag ang anumang karagdagang contact information.

Depende ito sa proyekto. Gagawin namin ang lahat para ipaalam sa iyo ang resulta sa lalong madaling panahon, ngunit kung minsan ay mas matagal ang oras ng paghihintay.

Casting Lamang

Ang headshot ay isang larawan na kinabibilangan ng iyong ulo at balikat na nakatingin nang diretso sa camera na may kaaya-ayang ekspresyon ng mukha, para makita namin nang malinaw ang iyong mukha at mga katangian. Sa headshot, ikaw lang ang nasa kuwadro. Gumamit ng magandang ilaw. Dapat ito ay bagong retrato, na kinuhanan sa loob ng nakaraang dalawang buwan.

Ang profile shot ay isang larawan ng iyong ulo at balikat na nakaharap sa kanan o kaliwa sa anggulong 90-degrees. Ang mga profile shot ay hinahayaan kaming makita ang gilid ng iyong mukha.

Kapag nag-aalinlangan, mag-audition ka. Sundin lamang ang mga tagubiling kasama sa casting call. Kung bago ka pa sa proseso ng audition, hilingin sa isang kaibigan na tulungan ka.

Depende ito sa proyekto. Para sa mga taong nag-audition para sa isang papel, kaagad naming pinagsisikapang ipaalam sa mga aplikante ang kanilang status.

Una sa lahat, maraming salamat sa iyong pag-apply. Isinasaalang-alang namin nang mabuti ang bawat indibiduwal sa bawat casting call. Sa bawat desisyon, ginagamit namin hindi lamang ng aming maraming karanasan kundi pati na rin ang maraming pagdarasal at payo mula sa kliyente, producer, at direktor.  Mangyaring patuloy na mag-apply para sa iba pang mga proyekto, dahil maaaring ito ay paghahanap lamang ng babagay sa iyo.

Walang limitasyon sa edad. Bawat proyekto ay may mga natatanging pangangailangan.

Ang petsa ng iyong kapanganakan ay isang mandatory field, samantalang karamihan sa iba pang mga field ay opsiyonal. Gayunman, mas maraming impormasyon na iyong ibibigay, mas madali para sa iyong profile na tumugma sa aming mga pamantayan sa paghahanap. Mangyaring maging masusi sa pagkumpleto mo ng iyong profile.

Ang mga taong inaanyayahan lamang mag-audition ang kikitain nang personal.

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang pandaigdigang organisasyon, kaya ang pagkakaiba-iba ng mga casting sa produksyon ay mahalaga sa pagbabahagi ng damdamin ng pagiging kabilang. Naghahangad din kami ng pagiging totoo sa ating mga pelikula hangga’t maaari, na nangangailangan ng maraming pagkakaiba-iba.

Kaugnay na Content

Huling Na-Update Noong 23 May 2025