Ang kalagayan ng mga taong pinalayas sa kanilang tahanan ay malapit sa puso ng mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bilang organisasyon na mayroong mga refugee sa kasaysayan nito, ang Simbahan ay nagsisikap na sundin ang tagubilin ni Cristo na tanggapin ang estranghero, na isinasakatuparan namin sa pamamagitan ng mga humanitarian project at mga paglilingkod at pagkahabag ng aming mga miyembro.
Ang mga indibiduwal na lumikas mula sa kanilang tahanan ay kadalasang nakakaranas ng matinding pangangailangan sa pagkain, tirahan, at iba pa. Bukod sa pagtugon sa mga agarang pangangailangang ito, hangad ng Simbahan na maglaan ng mga resource at kasangkapan na hahantong sa pangmatagalang solusyon at pag-asa sa sariling kakayahan.
Sino ang Nagbibigay ng Tulong sa mga Taong Nawalan ng Tirahan?
Paano Ako Makakabahagi?
Ang mga nawalan ng tirahan ay dapat pakitaan ng pagmamahal at suporta. Narito ang ilang ideya na maaari mong gawin upang mapangalagaan ang mga indibiduwal at pamilya na nawalan ng tirahan sa iyong komunidad.
Kumonekta sa mga lokal na organisasyon na nakatuon sa pangangalaga sa mga taong nawalan ng tirahan upang malaman kung anong tulong ang kailangan nila.
Maghanap ng mga proyekto sa JustServe.org sa pamamagitan ng pag-filter ng iyong paghahanap sa “Immigrants & Refugees.”
Magpasimula ng isang pagsisikap para kumolekta ng mga gamit na kailangan ng mga tao sa inyong komunidad.
Tingnan ang mga Ginawa ng Simbahan Noong Nakaraang Taon
Alamin kung paano inalagaan ng Simbahan ang mga indibiduwal at pamilya na naghahanap ng makakanlungan sa Buod ng Pag-aalaga sa mga Nangangailangan.