Mga Tulong sa Pag-aaral
Sion


Sion

Ang may mga dalisay na puso (D at T 97:21). Ang salitang Sion ay tumutukoy rin sa lugar kung saan namumuhay ang may mga dalisay na puso. Ang lunsod na itinayo ni Enoc at ng kanyang mga tao na di naglaon ay dinala sa langit dahil sa kabutihan ay tinawag na Sion (D at T 38:4; Moi. 7:18–21, 69). Sa mga huling araw, isang lunsod na tatawaging Sion ang matatayo sa malapit sa Jackson County, Missouri (Estados Unidos ng Amerika), kung saan magtitipon ang mga lipi ni Israel (D at T 103:11–22; 133:18). Pinagpapayuhan ang mga Banal na itayo ang Sion saan mang dako sila naninirahan sa daigdig.