Kaalaman at isang espirituwal na patotoo na ibinigay ng Espiritu Santo. Maaari ring ang patotoo ay isang opisyal o legal na pahayag ng nadarama ng isang tao na totoo (D at T 102:26 ).
Huwag ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, 2 Tim. 1:8 .
Ang patotoo ni Jesus ay diwa ng propesiya, Apoc. 19:10 .
Tumayo bilang mga saksi ng Diyos, sa lahat ng panahon, Mos. 18:9 .
Walang ibang paraan upang mabawi ang mga tao maliban sa pagpapatotoo ng dalisay na patotoo laban sa kanila, Alma 4:19–20 .
Taglay ko ang lahat ng bagay bilang patotoo na ang mga bagay na ito ay totoo, Alma 30:41–44 .
Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya, Eter 12:6 .
Hindi nga ba’t ako ay nangusap ng kapayapaan sa iyong isipan? Ano pang mas higit na katibayan ang iyong matatamo kundi ang mula sa Diyos? D at T 6:22–23 .
At ngayon, matapos ang maraming patotoo na ibinigay hinggil sa kanya, ito ang patotoo na aming ibinibigay tungkol sa kanya, D at T 76:22–24 .
Isinugo ko kayo upang magpatotoo at balaan ang mga tao, D at T 88:81–82 .
Ang mga saksi ay patay na ngayon at ang kanilang patotoo ay may bisa, D at T 135:4–5 .
Namalas ni Enos ang mga anghel na nagpapatotoo sa Ama at Anak, Moi. 7:27 .
Bagama’t kinamuhian ako at inusig dahil sa pagsasabi na nakakita ako ng pangitain, gayon pa man ito ay totoo, JS—K 1:24–25 .