Mga Tulong sa Pag-aaral
Magsisi, Pagsisisi


Magsisi, Pagsisisi

Ang pagbabago ng pag-iisip at kalooban na nagdudulot ng pangkalahatang bagong saloobin sa Diyos, sa sarili, at sa buhay. Ang pagsisisi ay nangangahulugan na ang isang tao ay tumatalikod sa kasalanan at itinutuon ang kanyang puso at kalooban sa Diyos, napasasakop sa mga kautusan ng Diyos at naghahangad at Tinatalikdan ang kasalanan. Ang tunay na pagsisisi ay nagbubuhat sa pag-ibig sa Diyos at isang tapat na hangaring sumunod sa mga kautusan niya. Lahat ng taong nasa gulang ng pananagutan ay nagkasala at nararapat na magsisi upang patuloy na umunlad tungo sa kaligtasan. Sa pamamagitan lamang ng pagbabayad-sala ni Jesucristo ang pagsisisi ay maaaring magkabisa at tanggapin ng Diyos.