Mga Tulong sa Pag-aaral
Tubos, Tinubos, Pagtubos


Tubos, Tinubos, Pagtubos

Iligtas, bilhin, o tubusin, sa gayon mapalalaya ang isang tao mula sa pagkaalipin sa pamamagitan ng kabayaran. Ang Pagtubos ay tumutukoy sa pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa paglaya mula sa kasalanan. Ang pagbabayad-sala ni Jesucristo ang tumubos sa buong sangkatauhan mula sa kamatayang pisikal. Sa pamamagitan ng kanyang pagbabayad-sala, sila na may pananampalataya sa kanya at nagsisisi ay tinubos din mula sa kamatayang espirituwal.