Mga Tulong sa Pag-aaral
Judio, Mga


Judio, Mga

Ang mga Judio ay maaaring (1) mga inapo ni Juda, isa sa labindalawang anak ni Jacob, (2) mga tao ng sinaunang timog kaharian ng Juda, o (3) mga taong nagsasagawa ng relihiyon, ayos ng Pamumuhay, at kaugalian ng mga Judio subalit maaari o maaaring hindi Judio sa pagsilang. Naging kaugalian ito na gamitin ang salitang Judio upang tumukoy sa lahat ng inapo ni Jacob, subalit mali ito. Dapat lamang itong sumaklaw sa mga yaong sa kaharian ng Juda o, lalung-lalo na ngayon, ang mga yaong sa lipi ni Juda at ng kanyang mga kasamahan.