Mga Tulong sa Pag-aaral
Jesucristo


Jesucristo

Cristo (isang salitang Griyego) at Mesiyas (isang salitang Hebreo) ay nangangahulugang “ang pinahiran.” Panganay si Jesucristo ng Ama sa espiritu (Heb. 1:6; D at T 93:21). Siya ang Bugtong na Anak ng Ama sa laman (Juan 1:14; 3:16). Siya ang Jehova (D at T 110:3–4) at inordenan sa simula pa sa kanyang dakilang tungkulin bago pa sa paglikha ng daigdig. Sa ilalim ng pamamatnubay ng Ama, nilikha ni Jesus ang mundo at ang lahat ng naroon (Juan 1:3, 14; Moi. 1:31–33). Isinilang siya kay Maria sa Betlehem, namuhay nang buhay na walang pagkakasala, at nagsagawa ng isang ganap na pagbabayad-sala para sa mga kasalanan ng buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kanyang dugo at pag-aalay ng kanyang buhay sa krus (Mat. 2:1; 1 Ne. 11:13–33; 3 Ne. 27:13–16; D at T 76:40–42). Bumangon siya mula sa mga patay, sa gayon tiniyak ang pagkakaroon ng pagkabuhay na mag-uli ng buong sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pagbabayad-sala at pagkabuhay na mag-uli ni Jesus, ang mga yaong nagsisisi ng kanilang mga kasalanan at sumusunod sa mga kautusan ng Diyos ay maaaring manahanan magpakailanman kasama si Jesus at ang Ama (2 Ne. 9:10–12; 21–22; D at T 76:50–53, 62).

Si Jesucristo ang pinakadakilang Nilikha na isinilang sa mundong ito. Ang kanyang buhay ay ganap na halimbawa kung paano dapat mabuhay ang buong sangkatauhan. Dapat isagawa ang lahat ng panalangin, pagbabasbas, at ordenansang pagkasaserdote sa kanyang pangalan. Siya ang Panginoon ng mga panginoon, ang Hari ng mga hari, ang Tagapaglikha, ang Tagapagligtas, at ang Diyos ng buong mundo.

Paparito muli si Jesucristo sa kapangyarihan at kaluwalhatian upang maghari sa mundo sa panahon ng Milenyo. Sa huling araw, hahatulan niya ang buong sangkatauhan (Alma 11:40–41; JS—M 1).

Ang buod ng kanyang buhay (sa pagkasunud-sunod na mga pangyayari)

Halimbawa ni Jesucristo

Hukom

Kaluwalhatian ni Jesucristo

Kapangyarihan

Mga kahalintulad o mga sagisag ni Cristo

Mga pagpapakita ni Cristo matapos maging mortal

Mga propesiya hinggil sa pagsilang at kamatayan ni Jesucristo

Paghaharing milenyal ni Cristo

Pagpapatotoo kay Jesucristo

Pinuno ng Simbahan

Si Cristo bago pa naging mortal

Taglayin ang pangalan ni Jesucristo sa atin