Mga Tulong sa Pag-aaral
Hinirang, Pagkakahirang


Hinirang, Pagkakahirang

Ang hinirang ay yaong mga nagmamahal sa Diyos nang buo nilang puso at namumuhay sa pamamaraang nakasisiya sa kanya. Yaong namumuhay sa gayong paraan ng pagiging disipulo ay mapipili isang araw ng Panginoon na maging kabilang sa mga pinili niyang anak.

Batay sa pagiging karapat-dapat sa buhay bago pa sa buhay na ito, pinili ng Diyos ang mga yaong magiging binhi ni Abraham at sambahayan ni Israel at maging mga pinagtipanang tao (Deut. 32:7–9; Abr. 2:9–11). Binibigyan ng mga natatanging pagpapala at tungkulin ang mga taong ito nang sa gayon ay mapagpala nila ang lahat ng bansa sa daigdig (Rom. 11:5–7; 1 Ped. 1:2; Alma 13:1–5; D at T 84:99). Gayunman, maging ang mga piniling ito ay kinakailangang matawag at mahirang sa buhay na ito upang matamo ang kaligtasan.