Mga Tulong sa Pag-aaral
Eden


Eden

Ang tahanan ng ating unang magulang na sina Adan at Eva (Gen. 2:8–3:24; 4:16; 2 Ne. 2:19–25; Moi. 3, 4; Abr. 5), tinatawag na halamanan, sa dakong silangan ng Eden. Pinalayas sina Adan at Eva sa Eden matapos na kainin ang ipinagbabawal na bunga at naging mortal (Moi. 4:29). Pinagtitibay ng paghahayag sa huling araw ang biblikal na ulat ng Halamanan ng Eden. Idinagdag nito ang mahalagang kaalaman na ang halamanan ay nasa lugar na tinatawag ngayon na lupalop ng Hilagang Amerika (D at T 116; 117:8)