Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagbibinyag, Binyagan


Pagbibinyag, Binyagan

Mula sa isang salitang Griyego na nangangahulugang “ilublob” o “ilubog”. Ang pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog sa tubig ng isang may karapatan ang panimulang ordenansa ng ebanghelyo at kinakailangan upang maging kasapi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Pinangungunahan ito ng pananampalataya kay Jesucristo at ng pagsisisi. Ito ay kinakailangang masundan ng pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo upang malubos (2 Ne. 31:13–14). Ang pagbibinyag sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu ay kinakailangan bago makapasok ang isang tao sa kahariang selestiyal. Si Adan ang unang nabinyagan (Moi. 6:64–65). Bininyagan din si Jesus upang tuparin ang lahat ng kabutihan at upang ipakita ang daan sa buong sangkatauhan (Mat. 3:13–17; 2 Ne. 31:5–12).

Sapagkat hindi lahat sa mundo ay may pagkakataong matanggap ang ebanghelyo sa buhay na ito, binigyang-karapatan ng Panginoon na makapagsagawa ng mga pagbibinyag sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kinatawan para sa mga patay. Samakatwid, yaong mga tatanggap ng ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu ay maaaring maging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos.

Kinakailangan

Pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog

Pagbibinyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan

Wastong karapatan

Mga hinihingi para sa pagbibinyag

Mga tipang ginawa sa pagbibinyag

Pagbibinyag alang-alang sa mga patay

Pagbibinyag hindi para sa mga sanggol