Karagdagang Madalas na Itinatanong

Mayo 11, 2018


Ang kalakip sa liham ng Unang Panguluhan na “Ministering sa Pamamagitan ng Pinalakas na mga Melchizedek Priesthood Quorum at mga Relief Society,” na may petsang Abril 2, 2018, ay kinabibilangan ng ilang tanong at mga sagot para tumulong na maipatupad ang mga pagbabagong ibinalita sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2018.

Ang mga sagot sa karagdagang mga tanong ay kasama rito.

Mga Korum at Relief Society

1. Ang pagtutuon ba sa elders quorum at Relief Society ay nagpapalakas sa papel na ginagampanan ng bishop at ng ward council?

Oo. Ang bishop ang namumunong high priest at “nagbibigay patnubay at payo sa iba pang mga lider sa ward” (Handbook 1, 2.1.1). Nirerepaso at inaaprubahan niya ang mga asaynment sa ministering. Sa ilalim ng pamamahala ng bishop, ang ward council ay nagpapatuloy sa mahalagang papel nito na “tulungan ang mga tao na magkaroon ng patotoo, tumanggap ng nakapagliligtas na mga ordenansa, tuparin ang mga tipan, at maging inilaang mga alagad ni Jesucristo” (Handbook 2, 4.4). Ang napatatag na elders quorum at Relief Society—na kinakatawan ng kanilang mga pangulo, na mga miyembro ng ward council—ay daragdagan ang pagiging epektibo ng council na iyon.

2. Sa anong korum nakabilang ang mga miyembro ng temple, mission, at missionary training center presidency?

Ang mga kapatid na ito ay mga miyembro ng kanilang ward elders quorum.

3. Sa isang stake, ang mga high priest ba na naglilingkod sa isang branch presidency ay miyembro ng high priests quorum?

Hindi. Ang mga high priest na naglilingkod sa mga branch presidency sa isang stake ay hindi mga miyembro ng high priests quorum. Ang mga miyembro ng high priests quorum ay iyon lamang mga tao na ang mga tungkulin ay nasa stake presidency, sa bishopric, sa high council, at bilang functioning patriarch kung saan kailangan silang maging high priest.

4. Ang mga elder ba na naglilingkod sa isang bishopric (halimbawa, sa young single adult stake) ay mga miyembro ng high priest quorum?

Hindi. Ang mga elder na naglilingkod sa bishopric ay hindi mga miyembro ng high priests quorum.

5. Dapat bang bisitahin o interbyuhin ng mga elders quorum presidency ang mga miyembro ng korum nang minsan sa isang taon (tingnan sa Handbook 2, 7.3.2)—bilang karagdagan sa pagdaraos ng mga quarterly ministering interview?

Oo. Bilang bahagi ng kanilang pangkalahatang mga responsibilidad, dapat interbyuhin ng mga elders quorum presidency ang mga miyembro ng korum kaugnay ng lahat ng mga tungkulin sa priesthood—kabilang na ang kapakanan ng mayhawak ng priesthood, ang kanyang asawa, at ang kanyang pamilya—kahit minsan sa isang taon. Ang mga interbyu ay maaaring gawin sa buong taon. Ang talakayang ito ay hindi dapat isama sa ministering interview kung saan naroon din ang kompanyon.

6. Sino ang makatutulong sa mga elders quorum at Relief Society presidency na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan?

Ang mga elders quorum at Relief Society presidency ay maaaring isaayos ang mga miyembro upang tumulong sa pagsasakatuparan ng gawain kung kinakailangan. Halimbawa, maaari silang tumawag ng mga miyembro para mamuno at tumulong sa mga gawaing tulad ng paglilingkod, templo at family history, pagbabahagi ng ebanghelyo, at welfare.

7. Maaari bang magkaroon ng mahigit sa isang elders quorum o Relief Society ang isang ward?

Oo. Ayon sa diwa ng Doktrina at mga Tipan 107:89, kapag ang isang ward ay may hindi pangkaraniwang dami ng mga aktibong mayhawak ng Melchizedek Priesthood, ang mga lider ay maaaring mag-organisa ng higit pa sa isang elders quorum. Sa gayong mga pagkakataon, ang bawat korum ay dapat magkaroon ng tamang balanse sa mga edad, karanasan, at tungkulin sa priesthood at lakas. Ang katulad na mga alituntunin ay angkop sa Relief Society.

Paglilingkod

8. Paano naaangkop ang ministering sa mga miyembro ng high priest quorum?

Sa ilalim ng pamamahala ng kanilang bishop, ang namumunong high priest sa ward, ang mga miyembro ng high priest quorum at kanilang mga pamilya ay may mga ministering brother at sister na itinalaga sa kanila ng kanilang elders quorum at ng Relief Society.

Dahil ang mga stake presidency at bishopric ang responsable sa lahat ng miyembro ng stake o ward, ang mga kapatid na ito ay hindi karaniwang itinatalaga bilang mga ministering brother sa partikular na mga indibiduwal o pamilya. Ang mga high councilor at functioning patriarch ay maaaring italaga, batay sa mga sitwasyon sa lugar, ayon sa pasiya ng stake president. Kung sila ay itatalaga, ito ay gagawin ng kanilang elders quorum president sa ilalim ng pamamahala ng bishop ng kanilang ward.

Bukod sa iba pang mahahalagang responsibilidad tulad ng namumunong high priest at karaniwang hukom sa Israel, ang mga bishop ay may partikular na responsibilidad, kasama ng kanilang mga counselor, na pangalagaan ang mga kabataan. Mababasa sa Doktrina at mga Tipan 107:15, “Ang obispado ang panguluhan ng pagkasaserdoteng ito [Aaronic], at humahawak sa mga susi o kapangyarihan ng nabanggit.” Nakasaad sa Handbook 1, 2.2, “Ang mga miyembro ng bishopric ang nagbabantay at nangangalaga sa mga kabataang lalaki at kabataang babae sa ward.”

Gayundin, ang stake president, bilang namumunong high priest ng stake, ay “ang pangunahing espirituwal na lider sa stake” (Handbook 1, 1.1.1) at “namumuno sa gawain ng kaligtasan” (Handbook 1, 1.1.2).

9. Maaari bang tumawag ang mga elders quorum at Relief Society president ng karagdagang mga counselor o tagapayo para tumulong sa ministering?

Hindi. Ang pangulo ay may dalawang tagapayo. Kung makikita ng mga lider na kailangan ang karagdagang tulong, maaari silang sumangguni sa kanilang bishop tungkol sa pagtawag ng isa o mahigit pang ministering secretary. Ang mga ministering secretary na ito ay maaaring italaga, halimbawa, para mag-iskedyul ng mga ministering interview at tumulong sa paghahanda ng quarterly report ng mga interbyu.

10. Ano ang papel na ginagampanan ng mga ministering coordinator at supervisor?

Ang mga tungkulin ng ministering coordinator at ministering supervisor ay itinigil na. Ang mga tinawag sa mga posisyong ito ay dapat ma-release.

11. Sino ang nagsasagawa ng mga ministering interview?

Bawat miyembro ng elders quorum at mga Relief Society presidency ay nagsasagawa ng mga ministering interview. Kahit sa isang malaking ward, makikita ng mga lider na makakayang gawin ang mga interbyu kapag nagdaraos ng ilan nito bawat linggo ang bawat miyembro ng presidency. Ang mga ministering interview ay hindi kailangang maging mahaba para maging epektibo.

12. Kailan sa quarter gaganapin ng mga lider ang mga ministering interview?

Ang mga ministering interview ay maaari at dapat ganapin sa buong quarter—at hindi dapat ilaan para sa huling linggo o huling buwan ng quarter. Sa pagdaraos ng mga lider ng regular na interbyu, makikita nila na kaya nilang isakatuparan ang mga espirituwal at temporal na layunin ng ministering.

Pagsama sa mga Kabataan sa Ministering

13. Maaari bang italaga ang mga kabataang lalaki at mga kabataang babae na mag-minister kasama ng mga adult o nasa hustong gulang na kompanyon?

Oo. Ang mga gabay sa bagong dokumentong “Pagpigil at Pagtugon sa Pang-aabuso” ay nagtutulot na maging kompanyon ng mga adult o nasa hustong gulang ang mga kabataan. Ang “Ministering” ay hindi itinuturing na “aktibidad” o “klase,” gaya ng binabanggit sa mga patnubay na iyon.

Dapat gamitin ng mga lider ang inspiradong pagpapasiya kapag itinatalaga ang mga kabataan bilang mga ministering companion. Dapat iwasan ng mga adult na kompanyon ang mga sitwasyon na maaaring hindi maunawaan. Dapat silang maging maingat tungkol sa one-on-one na mga situwasyon para magkaroon ang kabataan ng ligtas at makabuluhang karanasan sa ministering. Bukod pa rito, dapat maging matalino na hindi italaga ang mga kabataan sa mahihirap na sitwasyon sa tahanan o pamilya.

14. Dapat bang lahat ng Mia Maid at Laurel ay may mga ministering assignment?

Ang mga Mia Maid at Laurel ay maaaring anyayahang mag-minister. Papayuhan ng mga magulang at lider ang bawat kabataang babae, at kapag maaari at handa siyang maglingkod ayon sa kanyang kalagayan, siya ay maaaring bigyan ng ministering assignment. Ang mga kabataang babae ay nagsisilbing kompanyon ng kababaihan ng Relief Society.

15. Sino ang nakikipag-ugnayan tungkol sa mga ministering assignment sa mga kabataan?

Sa pahintulot ng bishop, ipinapaabot ng isang miyembro ng Relief Society presidency ang mga ministering assignment sa mga Mia Maid at Laurel. At, sa pahintulot ng bishop, ipinapaabot ng isang miyembro ng elders quorum presidency ang ministering assignment sa mga teacher at priest.