2018
Kontakin Siya Anumang Oras, Saanmang Lugar, sa Anumang Paraan
January 2018


Mga Tuntunin ng Visiting Teaching

Kontakin Siya Anumang Oras, Saanmang Lugar, sa Anumang Paraan

Ang visiting teaching ay tungkol sa paglilingkod. Naglingkod si Jesus anumang oras at saanmang lugar. Magagawa rin natin iyan.

Larawan
woman on cell phone

Ang “magministeryo” ay ang magbigay ng paglilingkod, pangangalaga, o pagtulong na nag-aambag sa kapanatagan o kaligayahan ng iba. Ang visiting teaching ay tungkol sa pagtuklas ng mga paraan para magministeryo sa mga binibisita natin. Nagministeryo si Jesucristo sa lahat—anumang oras at saanmang lugar. Pinakain Niya ang 5,000, inalo sina Maria at Marta nang mamatay ang kanilang kapatid, at itinuro ang Kanyang ebanghelyo sa babae sa may balon. Ginawa Niya iyon dahil sa Kanyang taos na pagmamahal.

Sa pagsunod sa Kanyang halimbawa, makikilala at mamahalin natin bilang mga visiting teacher ang bawat babaeng binibisita natin, inaalala na pag-ibig ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin. Kapag nagdasal tayo para sa inspirasyon na malaman kung paano siya paglilingkuran at tutulungang lumakas ang kanyang pananampalataya, “hindi mapipigilan ang mga anghel na makihalubilo sa [atin].”1

Mula sa organisasyon ng Relief Society noong 1842 hanggang ngayon, maraming buhay ang napagpala ng pagmiministeryo ng kababaihan. Halimbawa, binibisita ni Joan Johnson, isang 82-anyos na biyuda, at ng kanyang visiting teaching companion ang kanilang kapitbahay na 89 anyos at may pulmonya. Nakikita nila na hindi lang minsan sa isang buwan sila kailangan ng kanilang kapitbahay, kaya sinimulan nila itong bisitahin nang personal o tawagan sa telepono linggu-linggo.

Para sa iba pang mga visiting teacher, maaaring ang pinakamainam gawin para sa isang miyembrong babae sa buwang iyon ay padalhan siya ng text o email na nagpapalakas ng loob. Personal na pagkonekta at pakikinig nang may pagmamahal ang pinakadiwa ng visiting teaching. Tinutulungan tayo ng makabagong teknolohiya at matagal nang epektibong personal na pagbisita na gawin ito anumang oras, saanmang lugar, at sa maraming paraan.2 Iyan ang paglilingkod na katulad ng ginawa ni Jesus.

Larawan
Relief Society seal

Pananampalataya, Pamilya, Kapanatagan

Mga Tala

  1. Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (2007), 532.

  2. Tingnan sa Handbook 2: Administering the Church (2010), 9.5.1.