Desert Landscape

Pangangalaga sa Mundo

Ang lahat ng tao ay mga katiwala sa mundo at dapat mapagpasalamat na gamitin ang ibinigay ng Diyos, iwasang sayangin ang buhay at resources, at gamitin ang kasaganaan ng mundo upang pangalagaan ang mga maralita at nangangailangan.

Matapat na Pangangalaga sa Nilikha ng Diyos

Nahaharap tayo ngayon sa mahahalagang hamon sa kapaligiran na nakaaapekto sa kapakanan ng mga anak ng Diyos sa buong mundo. Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay matibay na nangangako na patuloy na pagbutihin ang mga ginagawa nito sa matalinong pangangalaga, tumulong sa mga mahina na komunidad na makaakma sa mas madalas na mga kalamidad, at palakasin ang kakayahan ng bagong henerasyon na magkaroon ng mas matatag na hinaharap. Ang ating mapagmahal na Ama sa Langit ay naghanda ng paraan para mamuhay nang malusog ang lahat ng Kanyang anak sa planetang ito kung handa tayong magsikap at maghangad ng paghahayag.

Ang pinakalayunin ng paglikha sa mundo ay ang mabigyang-daan ang plano ng kaligtasan ng Diyos para sa buong sangkatauhan. Ang paggalang sa ating planeta, bilang kapalit, ay nagpapakita ng paggalang natin sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, na lumikha nito.

Russell M. Nelson speaking during the Saturday afternoon Session of the 187th Semi-Annual General Conference.

“Bilang mga nakikinabang sa banal na Paglikha, ano ang dapat nating gawin? Kailangang alagaan natin ang mundo, maging matatalinong katiwala nito, at ingatan ito para sa mga darating na henerasyon. At dapat na mahalin at pangalagaan natin ang isa’t isa.”

—Pangulong Russell M. Nelson, The Creation, General Conference, Abril 2000

Ano ang Itinuturo ng Simbahan Tungkol sa Pangangalaga sa Mundo?

Ano ang Ginagawa ng Simbahan para Mapangalagaan ang Mundo?

Ang mga impluwensya ng Simbahan ay umaabot sa mga miyembro sa iba’t ibang panig ng mundo at sa operasyon nito. Sisikapin din ng Simbahan na maging positibong stakeholder sa bawat komunidad na naapektuhan ng presensiya nito.

Pag-aakma sa Ating Mga Komunidad

Ang pinakamahinang mga tao ay kadalasang mas hindi makaakma sa pabagu-bagong klima at mas madalas na mga kalamidad. Kasama ang mga katuwang nito sa bansa at sa iba pang mga bansa, ang Simbahan ay nag-aambag sa daan-daang proyektong pangkawanggawa bawat taon na nakababawas sa mga panganib sa kapaligaran at nagdaragdag ng katatagan—lalo na sa seguridad ng pagkain, kasarinlan sa enerhiya, at malinis na tubig.

Ano ang Maaari Mong Gawin?

Mula sa pagbawas ng paggamit ng plastik hanggang sa pag-install ng mga bug hotel, napakaraming paraan para makibahagi ang bawat isa sa atin sa pangangalaga sa mundo, kapwa nang mag-isa at bilang bahagi ng isang komunidad.

Patrick Kearon

“Ang nagkakaisang pagsisikap—kung saan ang mga pamahalaan, lider ng mga simbahan at ng komunidad, media, industriya, edukasyon, at pamilya ay nagtutulungan—ay ang paraan para makamit ang marangal na mithiin na muling pasiglahin ang mundo at ang mas malaking bahagi ng sangkatauhan. Nawa’y tanggapin natin ito bilang isang sagradong atas.”

—Elder Patrick Kearon, “Latter-day Saints and Environment,” ibinigay sa Global Faith Leaders Summit, Nobyembre 6, 2023

Mga Balita tungkol sa Responsableng Pangangalaga ng Kapaligiran

Tingnan kung paano tinutugunan ng mga lider ng Simbahan ang mga problema sa kapaligiran sa kanilang pandaigdigang ministeryo.