Gospel Living

Magkaroon ng mga Katangiang Taglay ni Cristo

10 Aug 2020 | 1 min basahin
I Can Do All Things - Youth Video - 2015 - Looking at Jesus Picture

Layunin

Paano ka magiging higit na katulad ng Tagapagligtas? Ang isang paraan ay ituon ang isipan sa pagkakaroon ng mga katangiang taglay ni Cristo. Matuto tungkol sa Kanya at mamuhay tulad Niya. Maging matiyaga sa iyong sarili sa prosesong ito—ito ay habang buhay na gagawin.

Mga Ideya para sa Mithiin

  • Mapanalanging pag-aralan ang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa mga katangian ni Jesucristo. Maaari ding panoorin mo ang video na “Christlike Attributes.” Isulat sa journal ang mga natututuhan mo tungkol sa mga detalye ng Kanyang buhay, tulad ng kung paano Siya namuhay, kung ano ang mga hamong naranasan Niya, at ang paraan ng pakikipag-ugnayan Niya sa mga tao.
  • Sagutan ang quiz na ito para matukoy ang mga katangian ni Cristo na gusto mong pagsikapang taglayin.
  • Pumili ng isang katangian ng Tagapagligtas at gawin ito sa mga kaibigan at pamilya. Ayon sa patnubay ng Espiritu Santo, ulitin ang prosesong ito sa iba pang mga katangian.
  • Itinuro ni Elder Bednar na “Ang mabisang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ang nagpapalakas sa atin para gumawa at maging mabuti at maglingkod nang higit pa sa ating hangarin at likas na kakayahan” (“Ang Pagbabayad-sala at ang Paglalakbay sa Mortalidad,” Ensign, Abr. 2012, 42–43). Pag-aralan ang mga banal na kasulatan at mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya para malaman kung paano ka matutulungan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo na magkaroon ng mga katangiang taglay ni Cristo.
  • Humanap ng mga halimbawa ng mga katangiang taglay ni Cristo sa mga tao sa paligid mo. Kunan ng retrato o magsulat ng isang bagay na magpapaalala sa iyo kung paano ipinakita sa iyo ng isang tao ang isang katangiang taglay ni Cristo.

Mga Kaugnay na Sanggunian o Resources

Kaugnay na Content