Gospel Living
Mithiin: Magkaroon ng Isang Bagong Libangan
21 Aug 2020 | 1 min basahin
Layunin
Sa talinghaga ng mga talento (Mateo 25:14–30), ginamit ng matatalinong tagapaglingkod ang mga talentong ibinigay sa kanila para magkaroon ng higit pang mga talento. Dagdagan ang ibinigay sa iyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang bagong libangan. Magiging masaya ka at matututo ka ng isang bagong bagay!
Mga Ideya para sa Mithiin
- Gumawa ng isang listahan o magdrowing ng mga larawan ng mga bagong libangan na nais mong subukan. Maaaring interesado ka sa pag-aaral ng isang wika o kung paano tumugtog ng isang instrumento. Siguro masayang matuto tungkol sa sining, pag-akyat sa mga bato, o pagse-skateboard. Pumili ng isang bagay mula sa iyong listahan at subukan mo ito.
- Magpalista para sa isang klase o maghanap ng isang grupo kung saan maaari kang matuto ng higit pa tungkol sa isang libangan na interesado kang subukan.
- Maghanap ng mga paraan para makapaglingkod sa ibang tao sa pamamagitan ng iyong libangan. Halimbawa, kung naggagantsilyo ka, maaari kang maggantsilyo ng regalo para sa isang tao. O kung marunong kang gumawa ng mga bagay-bagay mula sa kahoy, maaari kang gumawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang para sa isang tao. Kung ang libangan mo ay mayroong kinalaman sa musika, maaari kang kumanta o tumugtog ng isang instrumento para maging masaya ang ibang tao.
- Gumawa ng isang listahan ng mga libangan at aktibidad na hindi tulad ng anumang bagay na ginagawa mo ngayon. Pumili ng isa, at kahit naiilang, nahihiya, o kinakabahan ka, subukan mo itong gawin! Sa ganoong paraan ka lalago.
Mga Kaugnay na Resource
- “Edukasyon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011), 9-10
- James E. Faust, “I Believe I Can, I Knew I Could,” Ensign o Liahona, Nob. 2002, 49-52
- John C. Pingree, Jr., ““Ako ay May Gawain Para sa Iyo”,” Ensign o Liahona, Nob. 2017, 32-35
- “Volunteer Time and Talent,” ChurchofJesusChrist.org