Templo at Paghahanda sa Priesthood


Bawat taon, isang miting na tinatawag na Templo at Paghahanda sa Priesthood ang ginaganap para sa mga 11-taong-gulang na mga batang lalaki at babae. Inaanyayahan din ang kanilang mga magulang. Ang layunin ay upang matulungan ang mga bata na maunawaan ang mga pagpapala ng paglilingkod sa templo, paglilingkod sa priesthood, at paggawa at pagtupad ng mga sagradong tipan. Kabilang sa mga posibleng paksa para sa miting ang layunin ng priesthood, mga responsibilidad, ordenansa, at pagpapala; pagtulong sa mga batang lalaki na palakasin ang kanilang pangakong maghanda para matanggap ang priesthood; pagtulong sa mga batang lalaki at babae na maunawaan ang kanilang mga oportunidad na makibahagi sa gawain ng kaligtasan; at hinihikayat ang mga bata na maghanda upang tanggapin ang limited-use temple recommend pagsapit nila ng 12 anyos at karapat-dapat na makibahagi sa mga proxy baptism kapag may pagkakataon sila.

Nasa ibaba ang ilang resources at mga patnubay upang tulungan ka sa pagpaplano ng miting.

Resources

Mga Tagubilin

  • Ang Primary presidency ang nagpaplano ng miting sa ilalim ng pamamahala ng bishopric.
  • Isang miyembro ng bishopric ang nangangasiwa sa miting, at dumadalo ang isa o higit pang miyembro ng Primary presidency.
  • Ang iba pang mga lider, kabilang na ang deacons quorum presidency, ang Beehive class presidency, at Young Men at Young Women presidency, ay maaari ding dumalo.
  • Kung kakaunti lang ang mga 11 taong gulang sa ward, maaaring idaos ang miting, sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency, kasama iba pang mga ward o kasama ang buong stake.
  • Ayon sa mga lokal na pangangailangan, ang miting ay maaaring ganapin sa Linggo ng gabi, bilang bahagi ng isang miting ng Primary sa araw ng Linggo, o sa ibang pagkakataon.