Mga Tagubilin para sa mga Lider: Paggamit ng mga Self-Reliance Plan form


Papalitan ng mga bagong form na Self-Reliance Plan at Gabay ng Bishop sa Self-Reliance Plan ang kasalukuyang mga form na Needs and Resources Analysis at Needs and Resources Analysis Supplement. Ang mga bagong form na ito ay idinisenyo upang tulungan ang mga bishop at branch president na paglingkuran nang mas epektibo ang mga tumatanggap ng welfare assistance at gabayan sila sa landas patungong self-reliance.

Gabay ng Bishop sa Self-Reliance Plan. Gagamitin ng mga bishop at branch president ang form na ito sa pagpaplano at pagsubaybay sa welfare assistance at sa pag-follow up sa mga personal na self-reliance plan ng mga miyembro.

Self-Reliance Plan. Gagamitin ng mga miyembro ang form na ito nang mag-isa o sa tulong ng isang mentor. Ang form na ito ay tutulong sa mga miyembro na masuri ang kanilang mga pangangailangan, kita, at gastusin; matukoy ang makukuhang resources; matukoy ang paglilingkod na maibibigay nila kapalit ng tulong na natanggap; at makabuo ng sarili nilang plano para maging mas self-reliant.

Ang mga miyembrong nangangailangan ay tinutukoy kadalasan ng kanilang mga ministering brother at sister, ng iba pang mga miyembro o lider ng Simbahan, o ng bishop. Maaari pa nga na sila mismo ang humingi ng tulong sa bishop.

Kakausapin ng bishop ang miyembrong nangangailangan para talakayin ang mga hamong kinakaharap niya. Pagkatapos ay maaaring anyayahan ng bishop ang isang lider o ibang mentor na tulungan ang miyembro na kumpletuhin ang Self-Reliance Plan form. Sa pagrerebyu sa planong ito, mas mauunawaan ng bishop kung paano magbigay ng epektibong welfare assistance. Regular na ipa-follow up ng bishop o ng isang nakatalagang lider ang miyembro upang talakayin ang iba pang mga pangangailangan, alalahanin, at progresong ginawa sa plano.

Mga Form

Gabay ng Bishop sa Self-Reliance Plan

Self-Reliance Plan